-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ikinagalak ng local government unit ng Banga, South Cotabato at Philippine Red Cross ang pagtugon ng marami nilang mga mamamayan sa espesyal na bloodletting activity ng Bombo Radyo Philippines na “Dugong Bombo 2020”.

Maagang pumunta sa Banga Municipal Gym ang mga nais mag-donate ng kanilang dugo kung saan maraming mga residente ang nakumbinsi at inanyaya na magpartisipa sa nasabing aktibidad.

Hindi rin nagpahuli ang kasapi ng Banga PNP sa pangunguna ng kanilang chief of police na si PMaj. Joseph Forro III sa pag-donate ng kanilang mga dugo.

Ayon sa ilang mga matagumpay na succesful blood donors, isang magandang pakiramdam para sa kanila na makatulong sa kapwa at mapanumbalik umano ang kanilang sigla matapos ang pag-resupply umano ng dugo sa kani-kanilang mga katawan.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Banga focal person to the executive Alex Garcia ang inisyatibo na ito ng Bombo Radyo lalo na’t napapanahon ang suplay ng dugo para sa mga nangangailangan nito, lalo na sa banta ng covid-19 pandemic.

Ang Dugong Bombo 2020 ay isa sa mga taunang aktibidad ng Bombo Radyo Philippines na bahagi naman ng corporate social responsibility ng network.