-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sa kabila ng pagod sa pagsisilbi bilang frontliners laban sa COVID-19, nagawa pa ng mga pulis sa lalawigan ng Capiz na mamahagi ng tulong sa mga mahihirap na pamilya sa Barangay Lanot, Roxas City sa pamamagitan ng “Adoptation of Indigent Family’’ program.

Nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya si Capiz Police Provincial Office Provincial Director Police Col. Julio Gustilo Jr.

Ayon kay Gustilo, batid nila ang paghihirap ng mga residente sa naturang barangay matapos na mawalan ang ilan sa mga ito ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Binigyan diin ni Gustilo na kaligayahan para sa kanilang mga pulis ang makatulong sa mga nangangailangan.

Kabilang sa mga relief goods na ipinamigay ng mga kasapi ng Capiz Police Provincial Office ay assorted groceries, bigas ay alcohol.