-- Advertisements --

Nakitaan naman ng ilang operational lapses ng PNP BOI team ang hanay ng Datu Piang Municipal station, sa nangyaring pag atake.


Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na namonitor na ng intel unit ng PNP ang planong pag atake ng BIFF; Natanggap ng Chief of Police ng Datu Piang ang intel report ilang oras ang pag atake; ang harassment ay kagagawan ng grupo ni Muhidden Animbang alyas Commander Karialan at Salahuddin Saguia alias Sala Salik; walang strategic deployment ang mga pulis; kulang sa koordinasyob at intelligence validation sa kanilang AFP counterpart.

Sa kabila ng lapses, nilinaw ni PNP Chief Gen. Debold sinas na walang pulis ang makakasuhan, bagkus inirekumenda ng BOI na bibigyan ng parangal ang mga pulis dahil sa ipinakitang katapangan sa pakikipaglaban sa mga teroristang BIFF.

Inihayag ni Sinas na maganda ang nakukuha nilang feedback kaugnay sa kahandaan ng mga pulis kahit outnumbered nagawang makipaglaban.

Inirekumenda ng BOI paigtingin ang seguridad sa lugar gayundin ang pakikipag ugnayan sa AFP.

Rerebyuhin din aniya ang peace and order public safety plan sa datu piang at lalo pang palalakasin ang intelligence monitoring and gathering.

Kasama din sa inirekumenda ng BOI ang pagbalik sa pwesto ni Capt Israel Bayona ang chief of police ng Datu Piang.


Kinasuhan na ang nasa 100 miyembro ng BIFF na sangkot sa pag atake sa Datu Piang sa Maguindanao.

Kasong multiple frustrated murder and Destructive Arson ang isinampa laban sa grupo ni Commander Karialan at Salahuddin Saguia alias Sala Dalik.