-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sinibak sa pwesto ang pitong mga pulis sa Iloilo City Police Office matapos maugnay sa riding-in-tandem incident sa lungsod.
Napag-alaman na ang nasabing mga pulis ay nalagay sa kontrobersiya matapos itinuro sa nangyayaring patayan sa Iloilo City at ini-upload ang kanilang profile sa YouTube.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PLt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na ang pagsibak sa nasabing mga pulis ay upang matutukan ang imbestigasyon sa nasabing kontrobersiya.
Sa ngayon, nanatali sa Regional Police Holding and Accounting Unit ang pitong mga pulis na kinabibilangan nga anim na lalaki at isang babae.