-- Advertisements --

ILOILO CITY- Pinakilig ng mga pulis sa Iloilo City ang publiko ngayong Valentine’s Day.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Shella Mae Sangrines, spokesperson ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na namigay sila ng higit sa 500 mga bulaklak sa mga estudyante at guro ng Iloilo National High School.

Maliban dito, namigay rin sila ng balloons at candies sa mga bata at mga motorista.

Anya, mga kasapi ng Special Weapons And Tactics ang inatasan na magbigay ng mga surpresa.

Ayon kay Sangrines, taon-taon na nilang ginagawa ito upang mas mapalapit anya ang publiko sa mga pulis.

Nilinaw naman ng opisyal na naka full alert sila ngayong araw ng mga puso.