-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagbabala ngayon si Police Lt. Col Ramel Hojilla ang hepe ng Kidapawan City sa mga tauhan nito na iwasan at huwag maglagak ng pera sa kahit anumang investment scheme.

Itoy bahagi ng kautusan ni PNP General Oscar Albayalde na matyagan ang lahat ng mga pulis may kaugnayan sa mga investment scheme kabilang na ang KAPA at ang Police Paluwagan Movement, lalo na kung walang kaukulang dokumento na nagpapatunay na itoy legal.

Nagpaalala si Hojilla sa mga nasasakupan nitong mga pulis na wag magpaloko sa mga nag-aalok na may malaking interest sa perang kanilang ilalagak.

Matatandaan na may mga opisyal at mga myembro ng PNP-12 ang sinibak sa pwesto dahil sa pagkakasangkot nito sa Pulis Paluwagan Movement.

Sa hanay ng Kidapawan City PNP ay wala namang namomonitor na sumali sa anumang mga investment scheme.