KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) ang pagkabit ng public advisory hinggil sa mga naglipanang investment scheme sa North Cotabato o maging sa Region 12.
Ayon kay CPPO spokesperson PLt. Col. Bernard Tayong, sa ngayon ay hanggang sa paalala o panawagan lang ang hakbang ng mga pulis dahil wala pa naman silang natatanggap na reklamo hinggil dito.
Aniya, wala din silang mga namo-monitor sa kanilang hanay na sumasali sa mga pyramiding scheme dahil strikto ang panawagan ni Provincial Director Maximo Layugan na iwasan ang pagsali dito.
Ngunit, nagbabala umano ang regional director na maaari ring kasuhan ang mga pulis ng “disobedience†kung mamomonitor na sumasali sa kahit anu mang mga investment scheme lalo na ang nagpapabaya sa kanilang tungkulin.
Bukod sa mga tarpaulin na ikinakabit sa pampublikong lugar ay nagpakat din sila ng advisory sa social media.