CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaiwas ng Police Regional Office 10 ang kanilang mga pulis makisawsaw sa bangayan ng politika na nagdulot nang pagkawatak-watak ng taong-bayan sa bansa at ibang bahagi ng mundo na makikita ang mga Pinoy.
Kasunod ito sa pagka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ipinadala ng Pilipinas sa International Criminal Court na ikinagalit ng husto ng kanyang political suppoters.
Tinukoy ni Police Regional Office 10 regional director Brig Gen Jaysen De Guzman dapat manatiling matapat sa tungkulin at pinanumpaan na trabaho ang mga pulis upang hindi mawala sa pokus sa trabaho na nakaatas sa kanila.
Sinabi ni De Guzman na hindi maaring maging ang mga pulis ang madadala rin sa bugso ng emosyon dahil sa kanila sumandal ang publiko pagdating sa pangangailangan ng seguridad.
Ginawa ng heneral ang mensahe kasunod sa sinapit ng isang bagitong pulis mula sa Metro Manila na sinampahan ng kaso dahil naghayag ng kanyang damdamin laban kay President Ferdinand Marcos Jr epekto sa sobrang emosyon sa sinapit ni Duterte.