-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mahigpit na ipinag-utos ni Police Regional Office VI director Police Brigadier General Sidney Villaflor sa mga pulis sa Western Visayas ang paggamit ng Tiktok at pag-vlog habang naka-duty.

Ito ay kasabay ng pagbisita ni Villaflor sa Iloilo Police Provincial Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na mahigpit nilang babantayan kung ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho at ang mahuhuling lumalabag sa kautusan ni Villaflor at mahaharap sa karampatang penalidad.

Ngunit nilinaw ni Araño na maaari pa ring mag vlog ang mga pulis kung may kaugnayan ito sa kanilang trabaho lalo na ang mga naka-assign sa Police Community Relations.

Kabilang sa mga kautusan ni Villaflor ay ang pagtutok sa limang agenda ni Philippine National Police chief Maj. Gen. Benjamin Acorda na kinabibilangan ng Aggressive and Honest Law Enforcement Operations, Personnel Morale and Welfare, Integrity Enhancement, Information and Communication Technology Development, at Community Engagement.

Pagkatapos ng command visit, isinagawa naman ang surprise random drug test.

Ito ay bilang suporta sa utos ni Villaflor na pagsasagawa ng internal cleansing ng Philippine National Police.