-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Police Commission na nagsimula na silang mag imbestiga kaugnay sa kasong pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Ayon kay Napolcom vice chairman ang executive officer Atty. Rogelio Casurao na gumugulong na ngayon ang kanilang imbestigasyon at matatapos ito sa loob ng 60 araw.

Inihayag ni Casurao na ang mga opisyal ng Northern Police District (NPD) ay may pananagutan din sa insidente dahil sa command responsibility.

Ang mga akusadong pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyo ay sina: PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1`Jerwin Cruz na kasalukuyang iniimbestigasyon kaugnay sa pagpatay kay Kian.

Pahayag ni Casurao na posibleng matanggal sa serbisyo ang mga pulis sangkot sa pagpatay kay Kian bukod sa kasong kriminal na kanilang kahaharapin.

Una rito, sinibak sa pwesto ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa sina: Northern Police District Director Senior Supt. Roberto Fajardo at Caloocan police chief Senior Supt. Chito Bersaluna.