-- Advertisements --

PNPSulu

Pinadidis-armahan na ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang mga pulis na sangkot sa pamamaril sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu kahapon.

Nais din ng kalihim na mabatid ang tunay na dahilan sa nangyaring pamamaril ng mga pulis sa apat na army personnel.

Ayon kay Año, nakalukungkot ang nangyari dahil sa magkatuwang ang AFP at ang PNP sa paglaban sa mga terrorista subalit humantong sa isang malagim na insidente.

Dahil dito, inatasan na ni Año ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa rin nang sarili nitong imbestigasyon.

Ipinag-utos na rin ni Año kay PNP chief Gen. Archie Gamboa na dis-armahan ang mga pulis na sangkot sa nangyaring pamamaril.

“This is very unfortunate incident that should have not happened. The AFP and the PNP have been working closely in the fight against terrorists. I want to know what really happened and no stone must be left unturned. I already gave instructions to PGen. Archie Gamboa to disarm the policemen involve, restrict them under the custody of the Sulu Provincial Director,” pahayag pa ni Sec. Año.

Hihilingin din ni Año ang parallel investigation sa NBI na siya ring unang inihirit ng Westmincom.