-- Advertisements --
banac 2
PNP Spokesperson, PCol. Bernard Banac

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na mahalaga na magkaroon ng isang investigating body na siyang tututok sa mga indibidwal at pulitikong nasa likod ng vote buying cases.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac, sa ngayon kasi ang mga nahuhuli lamang ay ang mga taong inutusang mamili ng boto.
Malaki din ang paniniwala ng PNP na mga pulitiko ang financier.
Kaya nais ng PNP na magkaroon ng investigating body na siyang tututok sa mga pulitikong namimili ng boto.
Aminado ang pambansang pulisya na ngayong halalan lamang sila naging seryoso sa kampanya kontra vote buying.
Higit P12 million cash ang nakumpiska ng PNP sa kanilang operasyon sa vote buying, nasampahan na rin ng kaso ang mga nahuli.
Kumpiyansa naman si PNP chief PGen. Oscar Albayalde na ma-aaddress na ng PNP ang isyu ng vote buying sa susunod na halalan.
Ayon kay Albayalde posibleng magiging mas talamak pa ang vote-buying sa darating na 2022 Elections.
Ito ay batay sa naging experiyensya ng PNP sa katatapos na halalan kung saan kaliwat kanan ang mga ulat ng vote buying.
Sa dami aniya ng sumbong, ay hindi na naaksyunan ng PNP ang ilang mga reklamo dahil abala sila sa pagresponde sa mga nauna pang report.
Sa ngayon aniya ay puro mga tumatanggap at nagbibigay ng pera ang nahuhuli, pero wala pang kandidato na nakukong o nadiskwalipika dahil sa vote buying.
Bagamat naka tulong aniya ang voter education sa aktibong pagrereport ng mga insidente ng vote buying, kailangang pag-ibayuhin pa ang voter education para tuluyang talikuran ng mga botante ang vote buying.