Pinuna ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia ang mga pulitiko na tumangging palitan ang kanilang dekadang larawan sa kampanya.
Sa sidelines ng unang Multi-party Democracy Summit-BARMM event na ginanap sa Manila, sinabi ng poll body chief na hindi na makatotohanan kung ang isang kandidato ay matanda na at ang ilalagay na picture sa campaign poster ay noon pang college.
Ang pahayag na ito ng Comelec official ay sa gitna na rin ng plano ng poll body na pagdiskwalipika sa mga kadidatong tatakbo sa 2025 midterm elections na makikitang gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa kanilang campaign materials.
Iginiit ng Comelec chairman na lilikha ng kaguluhan ang AI at deepfake sa panahon ng halalan, lalo na kung susubukan ng mga kandidato na sirain ang isa’t isa gamit ang teknolohiya.
Kayat saad ni Garcia na sisikapin ng Comelec na makapagbalangkas ng magandang panuntunan at regulasyon patungkol sa AI. Bagamat paglilinaw ng opisyal na hindi pinagbabawal ang lahat ng klase ng AI.