-- Advertisements --

LA UNION – Nagnegatibo sa swab test ang mga nakasalamuha ng Covid 19 positive sa bayan ng San Juan, La Union.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rheuel bobis, medical officer ng Department of Health Region 1 sa panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Dr. Bobis, April 2 nang makuhanan ng swab test ang pamilya nito sa Baguio General Hospital (BGH) sa ciudad ng Baguio at dumating ang resulta nito noong araw ng Sabado.

Kabilang sa nakasalamuha ng pamilya ng pasyente ang ilang empleyado ng munisipyo.

Gayunman, paalala ng Municipal Health Office at DOH Region 1 ituloy lang ng mga Person Under Monitoring o (PUM) quarantine period ng mga ito.

Sa ngayon, base sa datos ng DOH, 207 na ang PUM na nananatili sa home quarantine habang 11 naman ang Person Under Investigation o (PUI) sa nabanggit na bayan.

Mahigpit naman ang ipinapatupad na monitoring sa mga PUM upang masigurado na nasa mabuting kalagayan ang mga ito.