BUTUAN CITY – Tiniyak ni Butuan City administrator Reynante Desiata na mananagot ang mapatunayang nagpabaya kaya nakadaong ang isang barko sa Masao port ng lungsod matapos 12 mula sa 20 crew ang nagpositibo sa COVID-19.
Maalalang galing sa Indonesia na epicenter na ngayon sa Delta Variant ng COVID-19 ang M/V Tug Clyde and Barge Claudia na mayroong kargang coal na dumaog sa Masao port gabi noong July 14, 2021.
Isinailalim ng mga crew members sa swab test sa Democrito O. Plaza Molecular Laboratory sa Agusan del Sur pero hindi na hinantay ng mga crew ng barko ang resulta at nagtungo na sa kanilang destinasyon papuntang port of Legaspi, Albay noong July 15.
Ayon kay Desiata nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para malaman ang dahilan kung bakit napayagan ang pagdaong ng nasabing barko kahit mayroong travel ban sa mga magmumula sa Indonesia at bakit din may mga crew na nakababa ng barko.
Kasali na ang hindi pag coordinate ng barko sa LGU Butuan kahit mayroon namang molecular laboratory ang lungsod.
Base sa imbestigasyon, isang ahente ng barko ang nag contact sa mga swabbers mula sa Democrito O. Plaza Molecular Laboratory.
Maalalang base sa resulta ng RT-PCR test sa 20 crew, 12 dito ang nag positibo sa Covid-19.
Isa rin sa 12 na nag positibo ang bumyahe papuntang Zamboanga para umuwi na sa ngayon ay naka-isolate na.
Nagpapatuloy pa ang pag imbestiga at pag contact trace sa mga naka-akyat sa barko at sa mga tao na kanilang nakasalamuha.
Na-trace ang na-disinfect naman ang lugar na pinuntahan ng mga nakababang crew habang hinahanap pa rin sa ngayon ang driver ng bangka na sinakyan ng umuwing taga Zamboaga.