CENTRAL MINDANAO- Binayo ng animoy bagyong hangin at sinabayan pa ng malakas na ulan ang probinsya ng Cotabato.
Sa barangay Dado Alamada Cotabato maraming bahay ang natuklap ang atip sa malakas na hangin.
Nabuwal rin ang maraming punong kahoy na humambala sa daan kaya ilang oras hindi ito madaanan at nabuksan pagkatapos ng clearing operation ng LGU-Alamada.
Nasira rin ang mga pananim ng mga magsasaka kagaya ng palay, mais, saging at iba pa.
Sa Barangay Bagontapay Mlang Cotabato may ilang kabahayan rin ang natuklap ang atip.
Halos buong probinsya ng Cotabato ay binayo ng malakas na hangin at ulan.
Sa ngayon ay nagsagawa na ng damage assessment ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cotabato) dulot ng pinsala sa malakas na hangin at ulan sa probinsya.