-- Advertisements --

Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Duterte Rodrigo

Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus.

Dagdag pa ng pangulo, dadalhin ng mga kapulisan ang mga maaarestong barangay kapitan at iimbestigahan sa kanilang kapabayaan.

Hindi rin naitago ng pangulo ang kaniyang pagkadismaya na maraming mga punong barangay ang nagiging pabaya na hinahayaan lamang ang mga nagaganap na pagtitipon.

“Pakulong ko kayo, I will look for a suitable law because you are forcing my hand. Ayaw ninyo, pasaway, e. ‘Yan ang problema ko sa Filipino… Napipilitan ako. Magtrabaho kayo if you really are worth your status there. Kung ayaw ninyo, umalis kayo,” wika pa ng pangulo.