Kinuha ng Manila City Government ang serbisyo ng mga punong barangay para tulungan ang mga senior citizens at ang mga persons with comorbidities para makapagparehistro sa kanilang vaccinationa campaign.
Sinabi ni Barangayo Bureau director Romeo Bagay na tutulong ang mga barangay officials para sa mga hindi marunong magrehistro para sa pagpapabakuna.
Nakasaad sa nasabing kautusan na maraming mga senior citizens ang hindi gaanong gumamit ng mga gadgets.
Umaasa naman ito na tutugon ang mga 896 na punong barangay sa Maynila para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga residente ng lungsod.
Sa kasalukuan ay aabot na nasa mahigit 163,000 ang naturukan na ng unang dose ng kanilang bakuna habang mahigit 61,000 ang naturukan ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccines.