CENTRAL MINDANAO-Binayo ng malakas na hangin at ulan ang probinsya ng Cotabato.
Sa bayan ng Kabacan ay nabuwal ang mga punong kahoy at nasira ang atip ng ilang kabahayan nang hagupitin ito ng malakas na hangin na animoy bagyo.
Agad namang pinakilos ni Mayor Herlo Guzman Jr ang Quick Reaction Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at nanguna sa paglilinis o pagkuha ng mga nabuwal na mga punong kahoy.
Nagbayanihan din ang mga residente sa Brgy Katidtuan at tulong-tulong sa paglilinis.
Inatasan din ng Alkalde ang MDRRMC na i-monitor ang mga kailugan lalo na ang Pulangi river sa posibling pagtaas muli ng lebel ng tubig o pagragasa ng baha.
Matatandaan na noong nakalipas na buwan nakakaranas ng matinding pagbaha ang bayan ng Kabacan.
Hanggang ngayon ay patuloy ang pamamahagi ng tulong ng LGU-Kabacan sa kabila ng krisis sa Covid 19.