CENTRAL MINDANAO- Dalawampung persons with disability o PWD ang tumanggap ng livelihood program mula sa Department of Labor and Employment.
Ang nasabing mga PWD ay grupo mula sa Brgy. Poblacion na kung saan, beneripika ito at yaong mga PWD lamang na hindi kabilang sa 4Ps ang napili.
Ayon kay PESO Manager Eufrosina Mantawil ng LGU-Kabacan, abot sa dalawang daang libong piso ang kabuuang natanggap ng dalawampong PWDs sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Emergency Employment Program o DILEEP.
Kaugnay nito, mga groceries tulad ng bigas, charcoals, at iba pa ang tinanggap ng mga PWDs upang gawing panimulang pagkakakitaan.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa DOLE. Aniya, ang nasabing ayuda ay may malaking maitutulong sa mga PWDs.
Dagdag pa ng alkalde, pauna lamang ito sa mga maibibigay pang ayuda ng tanggapan sa mga kabakeño. Hinimok rin nito ang publiko na sumangguni sa PESO Office upang malaman ang mga programa ng DOLE para sa publiko.
Samantala, inaasahan naman ng DOLE na magsisimula ito ng mas ma-unlad na pamumuhay ng mga tumanggap ng livelihood assistance.