-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kulang na kulang ang espasyo sa mga quarantine facilities sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa dami ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay Dr. Rina Corpuz, namamahala sa mga quarantines facilities sa lalawigan, 63 katao lamang ang mailalagay sa Takuat Training Center habang 21 na pasyente na pwede sa DPWH quarantine facility.
Aniya, patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil sa expanded targeted swab testing na isinasagawa ng lokal na gobyerno sa lungsod ng Laoag at provincial government para mapabilis ang pagdetermina sa mga posibleng nahawaan ng virus.
Hiniling naman ni Dr. Corpuz, sa lokal na gobierno ng Laoag City na gamitin na rin ang ABC building bilang quarantine facility.