Sa kabila ng tirik na araw at sobrang init ng panahon, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga rallyista ngayon sa sa Liwasang Bonifacio bilang pakikiisa sa Labor Day protest ngayong araw.
May umikot din na campaign caravan kung saan hinikayat ang lahat,lalo na ang mga botante sa darating na eleksyon, na magpokus umano sa isyu ng bayan at hindi sa mga kandidato.
Nagsagawa rin ng inspeksyon si NCRPO Dir. Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa mga itinalagang pulis upang masigurado na handa ang mga ito sa lalo pang pagdami ng bilang ng mga raliyista sa Liwasan.
‘Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya,’ Yan ang panawagan ng mga taong nakikiisa sa protesta ngayon kung saan ipinagsisigawan ng mga ito na dapat raw ay itigil na ang kontraktwalisasyon, dagdag sweldo at pati na rin ang pansamantalang pagbabawal sa mga provincial bus na pumasok sa Maynila.