-- Advertisements --

Sinubukang pasukin ng mga nagpo-protesta ang embahada ng Estados Unidos sa Baghdad kasunod ng ginawang airstrike ng Amerika laban sa Iran-backed militia group sa Iraq.

Daan-daang raliyista ang nag-martsa patungo sa isang lugar sa Iraq na mahigpit na pinagbabawalang puntahan. Kasama nila ang ilang miyembro ng Iraqi Popular Mobilization Units, isang samahan para sa Shiite militias.

Isinagawa ng US ang naturang airstrike noong Linggo kung saan 25 katao ang namatay at 51 ang sugatan. Tinarget nito ang limang pasilidad na kino-kontrol ng Kataib Hezbollah sa Iraq at Syria.

Ang Kataib Hezbollah ay grupo naman ng mga militante sa ilalim ng Iran-backed Shiite Popular Mobilizationo Forces sa Iraq.

Nagbabala naman ang gobyerno ng Iraq na nanganganib ang relasyon nito sa US dahil sa nasabing pag-atake.