BAGUIO CITY – Inilarawan ng isang Pilipino sa Minneapolis, Minnesota ang karahasang nangyayari sa kanilang lugar na dulot pa rin ng mga protesta at riot na nagaganap kaugnay ng pagkamatay ng Black American na si George Floyd.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Eric Sumangil, Filipino resident sa Minneapolis, sinabi nito na matagal nang nararanasan ng estado ang diskrimasyon at pagkakabaha-bahagi at dahil sa insidente ay nagbunsod pa ito lalo ng galit sa maraming mga residente.
Nangangamba rin umano silang mga Pilipino na dahil wala nang social distancing sa nasabing mga riot at protesta ay malaki ang posibilidad na lalo pang kumalat ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“It really pointed out the tension between the police and the black community. What’s difficult is that there’s the threat of the virus. The governor just recently lifted the restrictions to open some businesses. I wonder what the effect is going to be on the community and the public. [The protesters] are also not wearing masks on their faces. It adds a layer of fear, what our health is gonna be looking like in the next two weeks to a month if people are passing the virus to one another,” ani Sumangil.
Sa kasalukuyan ay nasa 23,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa estado ng Minnesota na ngayon ay pinangangambahang umakyat pa dahil sa mga protesta.