ORLANDO, Florida- Walang takot na ipinakita ng mga ralyista ang pagtutol nila sa muling pagtakbo ni US President Donald Trump sa darating na 2020 presidential elections.
Hawak ang malalaking banner na may mukha ni Trump, nag-alsa ang mga ito sa labas ng isang gay bar sa Florida.
Nagsagawa rin ang mga ito ng maikling programa kung saan tampok ang mariachi band at mga drag queens. Nagbahagi rin ng talumpati ang ilang transgender at mga kababaihang sumailalim sa abortions.
Ayon kay Mark Offerman, nagpauso ng blimp o mas kilala bilang “Baby Trump” layunin umano ng kanilang pag-protesta ang pikunin ang kasalukuyang presidente ng bansa.
Itinuturing naman ng mga organizers ng “Win With Love Rally” ang anunsiyong ito ni Trump na isa umanong hakbang ng gobyerno upang galitin ang siyudad na mayroong pinaka malaking populasyon ng gay community at Puerto Rican.
“We’re fighting back against an administration that thinks we can be erased. We won’t be erased,†saad ni Gina Duncan, transgender activist sa Orlando.
Naganap ang pag-anunsyo ni Trump sa kaniyang nais na muling pagtakbo bilang presidente ng Amerika matapos ang ikatlong anibersayo sa karumal-dumal na pagpatay sa 49 katao sa isang gay bar sa Orlando.