ROXAS CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Roxas City Health Office na dumating na ang mga rapid testing kits na donasyon para sa Roxas City government.
Ayon kay City Health Officer Dr. Lory Cahilog, magiging prayoridad para sa naturang testing kits ang mga may sintomas na mga indibidwal na may close contact sa nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), mga senior citizens na may close contact sa nagpositibo sa virus at mga frontliners na exposed sa publiko.
Nilinaw nitong limitado lamang ang suplay ng mga rapid testing kits kung kaya’t wala pa silang planong magsagawa ng mass rapid testing.
Idinagdag pa ni Cahilog na 86 percent ang accuracy ng resulta ng rapid tests.
Malaking tulong umano ang rapid testing kits upang malaman ang mga positibo sa sakit at sasailalim naman sa real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) test.