-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy ang paghikayat ng Armed Forces of the Philippines sa mga rebelde sa Cordillera Administrative Region para sumuko na ang mga ito sa pamahalaan.

Ayon kay Col. Henry Doyoaen, commander ng 503rd Brigade ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, ito ay upang makinabang ang mga susukong rebelde sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Aniya, sa pamamagitan ng programa ay tatanggap ang mga susukong rebelde ng mga livelihood assistance, education, housing at legal assistance.

Tiniyak ni Doyoaen na mabibigyan ng proteksyon ang mga susukong rebelde para hindi sila takutin or balikan ng mga dati nilang kasama sa paglaban sa pamahalaan.