-- Advertisements --

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga refugees, stateless persons at asylum seekers.

Alinsunod na rin tio sa inisyung Executive Order 163 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna ng inihayag ng pamahalaan na handa itong tumanggap ng mga refugees mula sa Ukraine bunsod ng nagpapatuloy na giyera sa naturang bansa.

Tiniyak naman ng DSWD ang tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang concerned agencies para sa paghahanda para sa posibleng pagdating ng mga refugees sa ating bansa.

Sa ilalim ng naturang EO, mabibigyan ng proteksiyon ang mga refugees, stateless persons at Asylum seekers sa kanilang karapatan pagdating sa seguridad, kalayaan at mobility sa ating bansa.

Mapagkakalooban din ang mga persons of concern ng accesss sa mga programa at serbisyo mula sa gobyerno ng Pilipinas gaya ng health services, social protection programs, access sa edukayon, legal assistnace at trabaho.