-- Advertisements --

Maglulunsad ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) kasunod ng mga reklamo sa bukbok na bigas na ibinibenta umano sa Kadiwa stores sa Quezon city.

Base kasi sa ilang seller at sa feedback na rin ng mga namimili sa Kadiwa stall ng Murphy market, mayroon umanong nakitang mga kuto o bukbok sa bigas.

Sinabi naman ni DA spokesman Arnel de Mesa na sinusuri na nila ang naturang insidente subalit nanindigan ang opisyal na dumadaan sa mga pagsusuri ang lahat ng bigas bago ibenta sa Kadiwa.

Maaaring isolated case lamang aniya ito dahil magandang klase naman ng bigas ng ibinibenta sa ibang Kadiwa stalls.