Tiniyak ni Sen. Koko Pimentel nitong araw na lahat ng mga katangunan at reklamo ng mga botante at kandidato hinggil sa naging takbo ng midterm elections ay maisasama sa pagdinig ng oversight committee on automatd election system (AES) sa darating na Hunyo 4.
Bilang punong abala ng joint AES, sinabi ni Pimentel sa isang panayam na itatanong niya sa nasabing pagdinig kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin daw kabisado ang sistemang ginagamit sa halalan kahit ito na ang ika-apat na pagakakataon na ginamit ito.
Bukod dito, dapat din aniya na napaghandaan man lang ng Comelec ang mga problemang nangyari sa kakatapos lamang ng halalan dahil ito na ang ika-apat na pagkakataon na ginamit ang sistemang ito.
Kabilang sa mga aberyang napaulat sa kakatapos lamang na halalan ay ang pag-malfunction ng mga vote counting machines (VCMs), ang transparency server ng poll body, pagka-antala ng relay ng resulta, problema sa mga SD Cards, at marami pang iba.