-- Advertisements --

Hamon ngayon sa mga rescuer na mapasok ang malalayong barangay at lugar sa Naga city, Camarines Sur sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Ito ang inamin ni Office of the Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas sa kanilang nagpapatuloy na rescue operations sa mga lugar na lubog ngayon sa baha dala NG walang patid na mga pag-ulan dulot ng bagyo.

Sa kabila naman nito, naabot na ng mga rescuer ang Polangui at Libon, Albay.

Sa kasalukuyan nga, libu-libong mga residente na ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa malawakang pagbaha at landslides sa Bicol region.

Ang siyudad ng Naga ang kabilang sa matinding naapektuhan ng mga baha dala ng bagyo.