-- Advertisements --
Umaasa pa rin ang mga awtoridad na patuloy sila makakita ng mga survivors sa landslides na tumama sa mga komunidad sa probinsya ng Leyte bunsod ng malakas na pag-ulan na dulot ng tropical storm Agaton kamakailan, ayon sa NDRRMC.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na hindi pa itinitigil ng ilang rescuers ang kanilang retrieval operations dahil nakakarinig pa rin sila ng mga boses mula sa mga taong natabunan ng gumuhong lupa.
Ayon kay Timbal, ang death toll sa nangyaring landslides at pagbaha bunsod ng pananalasa ng Bagyong Agaton ay pumalo na sa 167.
Bukod dito, mayroon pang 110 katao na nawawala, kung saan 104 dito ang mula sa Abuyog at Baybay City sa Leyte.