-- Advertisements --

Nakagawa ng herbal na tableta ang mga researcher sa University of the Philippines (UP) laban sa diabetes gamit ang mga pangunahing compound mula sa mga halamang gamot na matatagpuan sa Pilipinas.

Maaaring maging available sa merkado ang mga imbensyon sa hinaharap na nag-aalok ng murang alternatibong paggamot para sa diabetes.

Sa ilalim ng “Tuklas Lunas” program ng unibversidad ang naturang herbal na gawa sa tableta ay tumutulong sa pag-regulate ng sugar ng inyong dugo at nakakatulong na maiwasan ang pagtaas ng inyong blood sugar na maaaring magdulot ng mga komplikasyon.

Ang naturang gamot ay binubuo ng mga likas na sangkap tulad ng cardiac glycosides, saponins, flavonoids, alkaloids, at tannins.

Dagdag pa ng mga mananaliksik na ang kanilang produkto ay maaaring pigilan ang pagtaas ng glucose sa katawan ng tao ng mahigit 50 percent, na nakakatulong sa bawat Pilipinong pasyente.

Nabatid na ang ang diabetes ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino kung saan ang gastos ng mga gamot ay kadalasang mataas at hindi kayang bilhin ng mga mahihirap.

Ang sakit na ito ay nangangailangan ng pangmatagalang paggamot at wastong pangangalaga, ngunit dahil sa mataas na presyo ng mga gamot, marami sa mga Pilipinong may diabetes ang nahihirapang magbayad para sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan.