Binigyang-diin ni Philippine Army Commanding General LtGen Roy Galido ang papel ng mga reservist para sa pagdepensa ng Pilipinas sa sarili nitong teritoryo.
Ayon sa heneral, kapag dumating sa puntong kailangang depensahan ng mga mamamayan ang Pilipinas, tungkulin ng buong komunidad na manindigan kasama ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines(AFP).
Dahil dito, malaki ang papel na ginagampanan ng mga reservist o mga laang-kawal dahil sa nagsisilbi silang ‘reserve force’ kapag umabot sa ganitong sitwasyon.
Bagaman pawang mga civillian ang mga reservist, sinisiguro aniya ng PA na ang mga ito ay ‘relevant’ o alam nila ang kanilang gagampanang tungkulin pagdating sa teritorial defense
Ayon kay Gen. Galido, inoorganisa ng PA ang mga miyembro ng Reserve Force nang may sapat na kaalaman at kasanayan o training mula sa mga bawat rehiyon, probinsya, munisipalidad, at barangay.
Dito ay ‘iminumulat’ aniya sila sa kung ano ang posibleng mangyari sa usapin ng territorial defense at kung sino ang mga posibleng magiging kalaban ng mga mamamayan sa ganitong pagkakataon.
AV – LtGen Galido on reservists…22:00
Kasabay nito ay hinikayat din ng PA commander ang mga Pilipino na maging aktibong reservist bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.