-- Advertisements --
Binalewala ng mga residente malapit sa Manila Bay ang babala ng Department of Health (DOH) sa pagbabawal ng paliligo sa Baseco Beach sa Tondo, Maynila.
Ito ay matapos na umabot sa ilang libong mga residente ang naligo at nagtampisaw sa nabanggit na dagat.
Dinahilan ng mga residente na ito lamang ang kanilang makakaya at sanay na sila sa anumang sakit na makuha sa paliligo.
Nauna nang binalaan ng DOH na mahigpit pa rin ang pagbaabwal sa paliligo sa Baseco Beach dahil sa mataas na coliform.
Patuloy pa rin ang pagbabala rin ng mga nakatalagang volunteers sa tamang pagtatapon ng basura sa lugar.