CAGAYAN DE ORO CITY – Tila dininig na ang dasal ng mga residente na makabalik na sa kanilang tirahan sa Marawi City partikular sa most affected areas (MAA) sa nangyaring bakbakan ng goverment forces laban sa Maute-ISIS inspired group noong taong 2017.
Ito ang inanunsyo ni Task Force Bangon Marawi chairperson Sec. Eduardo del Rosario sa ginawang press briefing sa loob ng ground zero.
Ayon kay Del Rosario simula sa buwan ng Hulyo ay maaari ng makita at maayos muli ng mga residente ang kanilang mga bahay na nadamay sa giyera.
Aniya, dapat ngayong araw pa lamang ay simulan na ng mga residente na mag-file ng permit sa lokal na pamahalaan ng Marawi dahil dadaan pa ito sa mabusising proseso.
Nabatid na umaalma na ang mga residente dahil sa tagal ng kanilang paghihintay na makabalik sa kanilang lugar.