DAVAO CITY – Nakauwi na sa kanilang mga bahay ang ilang mga residente sa Carmen Davao del Norte matapos ang ilang araw na pananatili sa mga evacuation center matapos ang nararanasan na pagbaha dahil sa Bagyong Dante.
Nabatid na nasa 22 na mga pamilya ang apektado sa nasabing pagbaha.
Ngunit base sa huling impormasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa 2,309 na mga pamilya ang apektado ng pagbaha sa lalawigan mula ng manalasa ang Bagyong Dante kung saan kabilang sa mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Alejal, Ising, New Camiling, Salvacion at Asuncion (Cuatro-Cuatro).
Dahil dito, nasa 13 mga pamilya ang una ng lumikas sa nasabong lugar papunta sa barangay gymnasium.
Kabilang rin sa mga naapektohan ng Bagyo ang mga palayan at mga tanim na saging partikular na sa Barangay New Camiling dahilan na nasa 133 ngayon ang apektado.
Agad naman na binigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya.