-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na plano ng Philippine National Police na galugarin ang 6-km danger zone sa paligid ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa ahensya, nagsumite na ng PNP ng kanilang plano hinggil dito.

Layon ng hakbang na ito na ilikas ang mga residente na hanggang sa ngayon ay nagmamatigas paring umalis sa kanilang lugar.

Karamihan kasi sa mga ito ay tumangging lumikas sa kabila ng panganib sa takot na baka malimas ang kanilang mga gamit at mga pag-aari.

Giit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council , mahigpit na ipapatupad ng Pambansang Pulisya ang ‘No Human Activity’ sa mga lugar na pasok sa 6-km danger zone.

Sa kabila nito ay nilinaw ng ahensya na papayagan naman ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga pananim tuwing araw ngunit kailangan nilang bumalik sa kanilang mga evacuation areas tuwing gabi upang malayo sa panganib.

Patuloy naman ang paghahatid ng tulong ng gobyerno sa mga naapektuhang residente doon.