-- Advertisements --
Nanawagan ang mga opisyal ng Addis Ababa ang capital ng Ethiopia sa kanilang mamamayan na irehistro ang kanlang mga baril.
Ito ay para may gamitin ang mga residente sa pagdepensa laban sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng grupo.
Isinagawa ang apela ilang araw matapos na ianunsyon ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) na nakubkob na nila ang dalawang lungsod malapit sa Addis Ababa.
Minaliit lamang ito ng gobyerno at sinabing isa lamang uri ng propaganda ang ginawa ng mga rebeldeng grupo.
Sumiklab ang labanan ng gobyerno at TPLF noong nakaraang kung saan ilang milyong residente na ang lumikas na sa kanilang bahay at marami na rin ang nasawi.