-- Advertisements --
Marami pa ring mga residente ng New South Wales sa Australia ang hindi pa pinapabalik sa kanilang bahay dahil sa panganib na dulot ng wildfires.
Patuloy pa rin kasi ang ginagawang pag-apula ng mga bombero sa nasabing wildfire na nagsimula ilan buwan na ang nakaraan.
Umabot na rin sa siyam na katao ang nasawi at ilang daang bahay ang nasira dahil sa apoy na tumupok sa ilang ektarya ng lupain.
Sa kasalukuyan ay nasa 98 bush at grass fires ang naitala.
Umaasa naman ang mga bombero na sa pagbago ng klima ng panahon ay tuluyan ng maaapula ang sunog.