-- Advertisements --
Nasilayan ng ilang mga residente sa Batanes ang rocket na pinalipad ng China mula sa Taiyuan Satellite Launch Center sa Shanxi Province.
Ang naturang rocket ay ang Long March-6 carrier na may dala-dalang grupo ng mga satellite patungo sa kalawakan.
Batay sa ilang larawan na kuha ng mga residente mula sa hilagang bahagi ng bansa, tanaw ang paglipad ng rocket sa kalawakan ilang oras mula nang pinalipad ito sa China.
Makikita rin ang pagliwanag ng kalawakan kasabay ng pagdaan ng naturang rocket.
Samantala, batay sa impormasyong inilabas ng China, pinalipad ang naturang rocket dakong alas-7:06 kagabi. Pareho ang time zone ng China at Pilpinas.
Ayon sa China Aerospace Science and Technology Corporation (CASC), naging matagumpay ang rocket launch