-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot sa 8,498 na pamilya sa lalawigan ng Benguet at Kalinga ang nakatanggap ng Comprehensive Assistance for Disaster Response and Early Recovery Services (CARES) card mula sa Department of Welfare and Development (DSWD)-Cordillera.

Resulta ito ng Disaster Vulnerability assessment and Profiling Project na ipinatupad mula sa suporta ng International Organization for Migration (IOM).

Naipamigay ang mahigit 2,000 na DSWD Cares Card sa ilang pamilya sa Itogon, Benguet habang 4,031 sa Tublay, Benguet at 2,044 sa Pasil, Kalinga.

Ang nasabing digitized card ay magagamit ng mga naideklarang vulnerable households upang magbenepisyo sa mga programa ng DSWD lalo na ngayong panahon ng kalamidad.