-- Advertisements --
Nabulabog ang maraming residente ng Paris matapos na masira ang sound barrier ng isang French military plane.
Naganap ang insidente ng magbibigay sana ng tulong ang Rafale fighter jet sa dalawang commercial aircraft na nawalan ng radio contact.
Ayon kay French army spokesman Colonel Stephane Spet, na pinayagan na sirain ang sound barrier para maabot ang nagkaaberyang isa pang eroplano.
Ang isang eroplano na Falcon 50 na inooperate ng isang Brazilian company habang ang isa ay biyaheng sa pagitan ng Brives at Saint-Brieuc na pinapatakbo ng Amelia airline.
Ilan sa mga nagulat ay ang mga audience at players ng French Open.
Itinigil pandalian ang laro nina Stan Wawrinka at Dominik Koepfer.