-- Advertisements --

Kanya-kayang lusong sa tubig ang mga  residente sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila matapos na sumiklab ang sunog sa naturang lugar, Linggo ng umaga kahapon.

Batay sa pagtataya, aabot sa mahigit dalawang libong pamilya ang naapektuhan ng naturang insidente.

Romisponde sa naturang sunog ang mahigit 30 fire trucks at dalawang helicopters at gumamit ng tubig mula sa dagat.

Tumulong rin ang apat na fireboats  ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-apula ng sunog.

Namataan rin ang ilang residente na habang lumilikas ay may bitbit na kabaong.

Dala-dala ng mga ito ang lahat ng kanilang mga gamit na kanilang maisasalba.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Investigation kung ano ang pinag-mulan ng sunog.

Tinatayang aabot naman sa mahigit P3.5 milyon ang naitalang pinsala ng naturang insidente .