-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy ang pagproseso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Cordillera para maibigay na ang P73.3-million na halaga ng livelihood assistance sa mga residente ng Itogon, Benguet na naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Ompong noong nakaraang taon.

Ayon kay DSWD – Cordillera Regional Director Janet Armas, aabot sa 3,665 na internally displaced persons (IDPs) mula sa siyam na barangay ng Itogon ang naging benepisaryo na tatanggap ng P20, 000 na halaga ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Aniya, nagsagawa ang DSWD ng assesment at validation mula noong Setyembre 22 hanggang November 2018 para malaman kung sino ang mga pipiliing benepisyaryo.

Paliwanag pa ni Armas na bago maibigay ang halaga ay sumailalim muna ang mga benepisaryo sa Basic Livelihood Trainings sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) – Cordillera.

Idinagdag ni Armas na karamihan sa mga benepisaryo ay interesadong mag-alaga ng baboy at magtayo ng sari-sari store.