-- Advertisements --
image 241

Inihayag ng kumander ng Russian forces sa Ukraine na mahirap ang sitwasyon sa Southern City sa Kherson at kailangan nang lumikas ang mga residente.

Sinabi ni General Sergei Surovikin, gumamit ng Himars rocket ang tropa ng Ukraine kung saan tumama ito sa imprastraktura at pabahay ng lungsod.

Inihayag naman nito na top priority ng Russian army ay ang kaligtasan sa pag-evacuate ng mga residente.

Ang kanyang pambihirang pag-amin naman sa malalaking problema ay pinabulaanan ng isang mataas na lokal na opisyal.

Binalaan ng Russian-installed regional official na si Kirill Stremousov ang mga residente ng Kherson na ang mga Ukrainian troops ay maglulunsad ng pag-atake sa lungsod.

Ang Kherson ang unang malaking lungsod na nasakop ng mga Russian noong Pebrero.

Si Gen Surovikin ang bagong kumander ng digmaan ng Russia sa Ukraine – ang tinatawag ng Kremlin na “special military operation”.