Nanawagan ngayon sa gobyerno partikular na sa Local Government Unit ang mga residente ng Sitio Guintubdan La Carlota, Negros Occidental, ng karagdagang mga medical equipment sa lugar.
Ayon sa mga residente, ilan sa kanila ay nagkasakit at nahaharap sa respiratory diseases simula ng pumutok ang bulkan noong nakalipas na linggo.
Kabilang sa reklamo ng mga ito ay ang pagkakaroon ng sipon, mabahong amoy ng abo at sulfor na nagmula sa bulkan.
Ang iba rin aniya ay nakaranas na ng diarrhea dahil na rin sa kawalan ng malinis na inuming tubig sa kanilang lugar.
Partikular na kanilang ipinananawagan sa lokal na pamahalaan ang pagkakatoon ng karagdagang oxygen tanks, mga kama sa ospital at maging ng iba pang mga kinakailangang supplies.
Sa isang panayam, sinabi ni City Social Welfare and Development Office head Angie Gelongo na ang kanilang CDRRMC ay nakapag install na ng improvised clinic sa lugar bilang tugon sa pangangailangang ito.
Kung maalalala, nagsimulang pumutok ang bulkang Kanlaon noong nakalipas na linggo at nagbuga ito ng higit 500 meters ng abo, dahilan para itaas ng mga awtoridad ang alert level 2.
Ito ay itinataas naman tuwing may pagtaas sa bilang ng mga naitatalang pagyanig dulot ng bulkan, at iba pang aktibidad.
Nagpatupad namam ng 60-day price freeze ang Department of Trade and Industry sa bayan ng La Castellana na nasa ilalim ng state of calamity nang rumagasa dito ang lahar dahil sa malalakas na pag-ulan.