-- Advertisements --

Pinapanatili ng mga otoridad sa Los Angeles ang mga residente na maging alerto dahil sa hindi pa natatapos ang panganib ng wildfire.

Sinabi ni Los Angeles Fire Chief Kristin Crowley na asahan ang malalakas na hangin na siyang magdudulot na pagkalat ng wildfire sa lugar.

Nasa mahigit 88,000 na residente pa rin ang nananatiling nakalikas habang halos 85,000 naman ang nasa evacuation warnings.

Ipinakalat na rin ng mga otoridad ang mga bumbero sa tinatawag na “high-fire-risk areas” sa Los Angeles at hindi pa rin humihinto ang mga otoridad na hinahalughog ang mga kabahayan para makahanap ng mga nasunog na mga residente.

Mahigit 50 katao na rin ang kanilang naaresto na nagpupumilit na pumasok sa mga kabahayan at nagnanakaw.

Una ng nagbabala ang National Weather Service na magpapatuloy ang Critical to Extremely Critical na Fire-weather conditions ng hanggang Huwebes.