CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsagawa ng prayer rally ang mga residente at tagasuporta ng mga natalong kandidato sa katatapos lamang na midterm election sa Marawi City at Lanao del Sur.
Isinagawa ang rally sa Macarambon hall, Barangay Matampay upang kondenahin ang umano’y nangyaring pandaraya at vote buying sa nasabing mga lugar.
Bitbit ang mga placards na may nakasulat na “Vote-buying doesn’t help Marawi rise again, think about it,†or “Vote-buying is the dirty work of Shaitan, a Satan,†nanawagan ang libo-libong mga ralyista kay Presidente Rodrigo Duterte na imbestigahan ang nangyaring pre-shading sa mga balota.
Napag-alaman na may itinaguyod na Task Force ang Commission on Elections o Comelec para mag-imbestiga sa nangyaring vote buying at pre-shading of ballots.
Una nang sinabi ni Provincial election supervisor Atty. Allan Kadun na wala silang natanggap na reklamo o petisyon may kaugnayan sa election-related incidents o mga irregularities sa halalan.