-- Advertisements --
Ilang daang residente ng Madrid ang nagsagawa ng kilos protesta laban sa ipinapatupad na lockdown dahil sa COVID-19.
Tinawag ng mga protesters na ang nasabing pagpapatupad ng lockdown ay isang uri ng discrimination.
Dagdag pa nila na tila siya ay inabandona at nanawagan pa ang mga ito ng mas magandang health provisions.
Isinagawa ang kilos protesta sa 12 sa 37 distrito na apektado ng lockdown.
Depensa naman ni Madrid Mayor José Luis MartÃnez-Almeida, na ang ginagawa nilang lockdown ay para na rin sa kabutihan ng kanilang mamamayan.
Umaabot na kasi sa mahigit 640,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa at mahgit 30,000 na ang nasawi.